Sunday, October 14, 2007

Memory Bank: Spring Party 07 at Tony's

Matapos ang matagal na panahon ng paghihintay, naganap sa wakas, ang ating pinaka-inaabangan na Spring Party.

Gaya ng inaasahan, mga ngiti't tawanan at mga kwentong walang katapusan ang syang bumuhay sa pagkakaibigan. Maraming mga bagong salta. Nakakatuwa ang kanilang kwento ng paglalakbay. Parang pelikula. Punong-puno ng kulay. Syiempre, nakakalibang din pagmasdan ang mga barkadahanang namumuo at napagtitibay ng mga pagkikitang ito.

Eto po ang ilang mga eksena. Balikan nating ang mga alaala ng isang hapon ng musika, kainan at pagkakaibigan.


Ang official group picture... ang dami na naman natin!


Nag-bonding si Tita Elvie at Annika. (Ang ganda po ng dalaga nyo, Tita.) Nakaka-inspire po ang kwento nyo. Salamat din po sa mga mesa't upuan.


Tita Myriam, ang sarap ng puto!


Si Ate Flor nakisali sa mga North Shore girls!


Yey! Nandito na ang family ni Jun. Happy na sya ulit...


Ang romantic at nakakakilig na love team ni Tita Fritzi at Tito Romy. Ang galing din po ng story nyo (laging tandaan: bawal umihi dito!). Sana nga po, makatulong tayo sa next generations of Flipinos.



Ang mga "jalalays"


As usual makulit si Ate Leonor


Sabi na sa inyo, makulit... Anong kwento ng pic na to?


Si Tito Romy takot hindi makasali sa picture hehe


Ang bagong re-bond.... Carina Ferrer!


Ang sosyal ng lechon chopper natin ha


Si Tita Vina ang lechon inspector


Professional lechon choppers, mahal ang hourly rate!



Basta si Tita Cez, gutom na. Bow.


Galing ni Ate Anna!


Emote si Doc Tony. Tagos hanggang puso ang mga nota.


Ang musical tandem ni Sam at Tony


Ang tunay na musical genius... na bagong re-bond (baka makalimutan)...


Impress na impress ang mga boys kay Ate Anna


Ang "official statement" ni Mang Al...


Ang tatamis ng mga ngiti... halatang natuwa sa lechon at dinuguan


Ulitin daw: bagong re-bond si Carina.


Promise, stolen shot talaga 'to.


Welcome sa mga newcomers sa grupo!


Nagpa-cute lang kami.


Aaawwww.... ang sweet.... Hi Andrew!


Kala mo matatagal ng magkakakilala...


Welcome Land and Jade. Congrats! Invite nyo kami sa binyag ha?

Salamat po ng marami...
Tony, sa pag-host, pagtugtog at pagkanta.
Anna and Sam, sa mga musical performances. Sana ulitin sa Christmas party hehe.
Sa mga nagdala ng mga pagkain, ang sasarap lahat, lechon, dinuguan, baked mussels, pancit, multi-coloured malagkit (ano bang official name nito, Ate L?), pichi-pichi, cassave cake, brazo de mercedes, fruit cake etc dami di ko na maalala yung iba...

Ang saya talaga. Sana nag enjoy din po kayo.

2 Comments:

At 10/15/2007 6:35 pm, Blogger Yen Uera said...

Thanks din, Weng, for uploading the pics. Ang gaganda natin! wahaha!

 
At 10/26/2007 11:15 pm, Anonymous Anonymous said...

Nice to view all the pics... from the 2006 to the latest, makikita mo transformations ng mga members... ang ganda ng hair rebond ni Carina!!!

Flor DG-C

 

Post a Comment

<< Home