Sunday, October 29, 2006

Alaala

Mahirap iiwan ang bansang pinaglakihan. Kahit na gaano na katagal sa bagong piling tirahan, laging may babalikan sa bayang iniwan; mga alaalang minsan ay nakakalimutan dahil sa bilis ng buhay o di kaya'y, di sinasadyang nababalewala, hanggang sa ito'y magkupas at mapalaya ng ihip ng panahon.

Ngunit, may mga alaala na namamalagi sa puso at kaluluwa.

At sa ating paglalakbay, laging may makakakilala at makakaunawa sa daang ating tinahak, sa ating ugat na pinagmulan.

Unibersidad ng Pilipinas nating mahal, habang buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home