Memory Bank: Paskong Isko't Iska 2007
Kahit na malakas ang ulan at malamig ang pagsipol ng hangin, damang-dama pa rin ang tamis ng mga ngiti at ang ligayang dulot ng muling pagkikita.
Mga magpapamilya, magkakaibigan at bagong magkakakilala, lahat ay nagsama-sama upang ipagdiwang ang Paskong Pinoy, na puno at hinog ng saya't pagkakaisa.
Maligayang Pasko, Isko't Iska!
Masarap ang pagkain, sabi ni Ate Leonor
Tambay sa kusina sina Tita Fritz, Tita Emma and Sunny
Napasyal sa North Shore sila Tita Claudette at Al
Isang family affair para sa mga Ammundsens!
Nagkita ang mga magkakaibigan (Doc Tony with Tita Vina and Tito Rod)
Ang lakas ng mga halakhak (kahit na hindi nagbelly-dancing si Ate Flor)
Syiempre, ang mga gurls kelangan magpa-cute
Nakarating si Ate Michelle at Isobel!
Mga bagong salta: Jesse (pero matagal na sa NZ!), Ka Uro (lalo na!) at Dwight
Buhay pa ang Student ID ni Jesse
Ate Leonor inspects Jesse's ID, authentic naman daw!
Ang young-at-heart at uber-bait na si Ka Uro, hosting our Exchange Gifts
Ilabas ang negotiation skills ni Ate Flor!
Ang touching rendition ng "Pasko na Sinta Ko" ni Doc T
Ang mga youngsters sumali rin sa caroling
"Ang boyfren kung baduy", Magic Sing dedicated daw kay Tito Allan (ang sweet!)
Hindi nagpatalo si Tita Fritz, "Kapag maputi na ang buhok ko" para naman kay Tito Romy! (Haayyy... ang sarap magmahal!)
Ang mag-aama nag special number pa! Yung mga maagang umuwi hindi nakapanood :(
Ang mga gurls nagpa-iwan para mag karaoke (at kumain ulit)
Ang official group pic at origami ni Yen
Pinaghintay kaming dumilim para makita raw ang display!
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng dumalo.
Syiempre, special tenks to our hosts Tito Allan, Tita Emma and Chips.
TY din po sa mga lechon sponsors Al, Sam, Ka Uro, Ate Leonor, Jess, Dan and Radi.
K U, salamat sa pag-organise ng carol sheets at pag-facilitate ng exchange gifts.
Sam, thanks for playing the guitar. Sana next year meron ng "We Wish You a Merry Christmas" hehe
Tan Family (lalo na si Jess!) salamat sa pagtulong sa preparation at pagtulong sa paglinis.
Yen, salamat sa origami. Mare, ang tyiaga mo talaga!
Tito Ram and Dan, thanks sa pagiging official lechon choppers.
Chips, salamat sa "Ang butiki...ek ek ek" at "Bawal na Gamot" mwahahaha funny!
Sa inyong mga dalang pagkain, ang sarap lahat... Pakbet nila Tita Fritz, Palabok ni Ate Flor, Adobo nila Jade, Greens ni Ate Leonor, Dinuguan ni Tito Gerry, Leche Flan ni Doc Tony, Spicy Dilis nila Tita Vina, Caldereta ni Tita Cez, desserts nila Sheryl at syiempre ang barbecue ni Tito Allan (yum!)... May mga nakalimutan pa yata ako, sorry ang dami kasi! Fiestang-fiesta ang dating!
Sa mga bagong salta, sana po nag-enjoy kayo.
Kita-kits ulit sa Pebrero para sa ating Araw ng mga Puso get-together!
1 Comments:
Weng, napaghahalata ko na kung gaano ako kalakas sa iyo a. Dami naming pics!
Dagdag sa ulam - fresh lumpia ni Ka Uro - super sarap non ha, at brownies, fruits, cakes, punch, natikman ko yata lahat e. Lechon paksiw, nakatikim kayo? o, ano, talo (hehehe)...
Post a Comment
<< Home