Wednesday, November 01, 2006

Kabaduyan

Nung Byiernes, nanood ako ng concert. Yung kaibigan ko, narinig nya sa radyo, nandito raw ang UP Concert Chorus. Syiempre, natuwa ako. OPM-thirsty yata ako. Saka kahit anong gawin ko, mahirap itago ang pride. Bunga ako ng UP. Hirap, sarap, pighati at ginhawa. Love-hate relationship (lalo na ang Math 11). Parang first love, yung di nakakalimutan, laging inaasam-asam.

Kung akala nyo yan ang kabaduyan na tukoy ko, nagkakamali kayo. Preamble lang po yan.

Kasi nung pumanhik sila sa stage at kinanta ang Lupang Hinirang, para po akong gutom na sanggol. Humagolhol sa tindi ng emosyon.

Alam nyo yung mga commercials nila Regine at Martin para sa Duty Free? Totoo pala yun. Kahit gaano ka tigas ang puso, papatak ang luha. Kahit waterproof ang mascara, bibigay din sa bigat ng damdamin.

1 Comments:

At 11/04/2006 3:44 pm, Anonymous Anonymous said...

nakaka-relate ako diyan! masayang maging pinoy.

 

Post a Comment

<< Home