Thursday, February 21, 2008

Memory Bank: Summer Beach Party 08

Sa haba ng diskusyon at pagpaplano,marami ang nag-akalang hindi matutuloy ang ating outdoor party. Pero ika nga ni FPJ, "walang iwanan!". Kaya't sa init at ulan, ngiti't saya ang nangibabaw.


Alas diyes ng umaga, mukhang sinwerte tayo. Maganda ang panahon. Hindi masyadong mainit, hindi rin naman masyadong malamig. Mukhang tuloy na tuloy ang patintero at syato!


Sila ang mga Gazebo Bhoys! Ang makikisig at matutulin... Al, Ram, Allan and Ka Uro.


Ngiting bagets na bagets, kilabot ng mga dormers!


Laging handa! Ang built-in electric fan ni Tito Allan.


Ang mala-reynang pose ni Tita Ces hehe


Masarap ang Swiss sausages na dala ni Ka Uro at Tita Jean.


Hindi mawawala ang kodakan...


Kunwari stolen shot daw...

Nag-moment ni Al at John...

Syiempre laging may pa-cute na pose...

At sila ulit...

Ang happy place ni Ate Leonor


Ang Zoolander look ni Sam at John

Ang mga habulin ng paparazzi

Ang weekend prediction ni Ernie Baron, umulan! Pero tuloy pa rin ang tawanan.


Hanggang makalipat na sa bahay nila Tita Ces, smiling face pa rin ang love team ni Tita Jean at Ka Uro.
Kahit indoors na, kelangan pa rin daw magpa-cute.

Welcome sa ating newbies Tina and Jen!

Dahil walang patintero at syato, nag pictionary na lang kami. Masaya naman, lalo na kung team mo ang panalo...

Hindi nakahabol ang team ni Ate Leonor, wala kasi si Dan De Guzman!


Ang group picture, perfect na sana kaso wala ako (ako kasing kumuha!)

Salamat sa lahat ng pumunta. Isa na namang masayang pagsalo-salo ng ating pamilya.
Special thanks:
Ka Uro at Tita Jean, sa pagdala ng gas cooker, syato sticks (kahit di natuloy), sausages at isang malaking bag na puno ng bread.
Tita Ces and family, salamat sa adobo at itlog na maalat. Syiempre pag beach outing dapat may adobo! Sana next time, makahanap na kayo ng dahon ng saging hehe Salamat din sa paglipat sa bahay nyo.
Ate Leonor, salamat sa mussels. Next time, magdadala ako ng Sprite na hindi pa bukas, promise hehe
Tita Emma and Tito Allan, thank you sa lahat, ang dami, di ko na maalala, ice, utensils, takeaways (hehe) at ice box na may built-in radio
Bel and Menggy, salamat sa lahat ng klase ng tinapay na dala nyo
Al, from the bottom of Tita Ces' heart, salamat sa gazebo hehehehe
Yen, Sam, Tita Vina and Tito Rod, salamat din po sa inyo.
May nakalimutan pa ba ako?
Sana nag enjoy kayong lahat. Kita-kits ulit sa ating susunod na party, March 8 at Sam's place!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home