Sam's Summer Party!
Pasensya na po at medyo natagalan ang pag post ko ng mga pictures. Naging busy kasi bigla. Sa mga naghintay, ika nga ng kasabihan, "kahit huli man, dumating pa rin!".
Nakakatuwa at maraming bagong dumating. Mga baguhan sa grupo pero matatagal na dito sa Auckland. Nakaka-inspire ang kanilang mga kwento. Nakakatawa ang humour. Pagtimpla lang ng kape may kwento pa:
"Jen (single po sya), how do you take your coffee?"
"Like my men, white and sweet!"
Hahahaha
May mga napulot na aral sa mga veteran na dito. Sabi ni Ate Laura (GM ng Shiseido), wag daw magpapadala sa mga rejections. Kailangang lakasan ang loob at huwag matatakot sa mga pagsubok.
Napasarap ang kwentuhan kaya naman hanggang ala-onse ng gabi, may mga tao pa sa bahay ni Sam. O sya, heto na po ang mga pics, pasensya na at kokonti lang (at sorry din po sa mga hindi nakuhanan!).

Nakahabol si Ka Uro at Tita Jean

Ang mga bagets kasama si Laura German (pink top)
Purple is the new Black!
(Naki-party ang mga friends Donabel and Betchu Pascual)
Ladies pose for the camera!
Golf buddies Owell and Sam, striking a pose with Mitzi (Diliman)
Boys bonding mula hapon hanggang gabi
L-R Ric Dela Cruz, Ram Tan, Rene Pascual and Owell Cosio, all from Diliman
Pose ulit!
Lovely lady smiles - Mitzi and Lyn (Diliman)
Ang mga ladies nag-pose ulit (halata ba nauubusan na ko ng comment? hehe)
Marife and her "flat white"
All sisters - Laura and biological sister, Lyn (in purple), and sorority sister Mitzi
Three sisters who love to party (Marife, Lyn and Laura) with Tita Ces
Owell and Mitzi
Dito nagsimula ang kwentuhan...
Dahil nga sa napasarap ang kwentuhan, hindi kami naka pag group shot. Si Ding and Nel Contreras (Los Banos) takot din sa kodakan!
Thanks, Sam for hosting the party. Salamat sa lahat ng pancit at bote ng wine (kaya siguro napatagal ang chikahan!).
Si Ate Leonor ang sunod nating host (autumn party). Date still to be confirmed.
Kita-kits ulit!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home