Saturday, November 04, 2006

Auckland Address Mania



Nitong huling apat na taon, malaking bahagi ng ekonomiya ang real estate. Ang mga Kiwis kasi ay house-proud, ambisyon yata ng bawat pamilya ang tumira sa sarili nilang tahanan. Marami rin ang mga property investors dito, yung mga bumubili ng rentals as investments. (Hindi ko po area ito, basahin nyo na lang po ang mga payo ni Ka Uro sa kanyang blog).

Sabi ng mga kaibigan kong Kiwis, you can tell a lot about a person by his/her residential address. Hindi ko po alam kung ito ay kuro-kuro lamang or talaga ngang proven facts, pero ito po ang sabi nila tungkol sa mga sikat na residential areas at 'burbs dito sa Auckland:

Remuera - ang mga naninirahan daw dito ay galing sa mga pamilya ng "old rich", ang slang na tawag sa mga residents ay "remers". Yung mga traditional corporates usually ang may mga Remuera address.

Ponsonby - ang pinaka bohemian part of the city daw. Sa isang survey ng NZ Herald, dito raw may pinakamaraming naninirahan na mga homosexual couples. Pero wag ka, isa itong area na biglang nagtaasan ang presyo ng mga bahay. Marami kasing Kiwis ang mahilig sa colonial or historic houses. Saka maraming cafes, bars and boutique shops along main Ponsonby Road.

Parnell - dito raw nakatira ang mga "new rich". Karamihan ng mga advertising and design agencies ay may Parnell address. Gaya ng Ponsonby, maraming cafes, bar and night spots sa main road.

West Auckland - ang tawag sa mga nakatira sa West Auckland ay "Westies", ewan ko kung san nanggaling, sabi ng iba dahil daw sa mga motorbike gangs ng 70s kung kaya't may reputation ang area. Kung Westy ka raw, very likely na you're driving a Holden car, kung lalaki raw, may tattoo at mallet (hairstyle yan na mahaba sa likod, at laging naka-singlet (yan ang tawag sa sando dito). Pero sa palagay ko, false generalization ito, kasi may ibang parts ng West Auckland na may artistic air about them like Titirangi, at marami ring surfer dudes na naninirahan sa area dahil sa lapit ng Piha Beach.

South Auckland - gaya ng West Auckland, may reputation din. Sabi nila mostly mga Maori o Pacific Islanders daw ang residents dito. Medyo di rin maganda ang portrayal ng media, sabi nila mataas raw ang crime rate, maraming domestics (away asawa na mainggay, pwedeng i-report sa pulis) at loitering ng unruly youth. Pero once again, di ako naniniwala na accurate ito. May mga farm lands at lifestyle blocks din sa South Auckland. At marami ring mga industrial parks sa Mt. Wellington and Penrose.

Newmarket - expensive area, katabi ng Parnell. Parang class na shopping district sa city.

Mission Bay - maganda rito dahil may view ng harbour, bihira akong makakita ng advertised property na bahay with lupa, usually mga flats at apartments. Dati raw, parang retirement village ito ng city, pero dahil sa pagtaas ng real estate, lumipat ang mga retirees sa Orewa. Ngayon ata, mostly mga professionals na nagtratrabaho sa CBD ang nakatira dito.

Ang nakakatawa rito ay pag tumitingin ka ng property. Usually ang mga real estate agents, sasabihin sayo ang prestigious area address. Halimbawa, ang bahay sa Meadowbank, sasabihin sayo Remuera area raw, pero hindi naman. Kaya mag ingat po kayo, lalo na kong bago. (Pero dahil mga taga UP naman tayo, di dapat paapekto ng husto sa location di ba?) Ang masasabi ko lang sa mga real estate agents: magpakatotoo ka, bro!

1 Comments:

At 11/07/2006 1:16 pm, Blogger Ka Uro said...

Howick - china town ng auckland. kaya chowick minsan kung tawagin.

Glenfield, Northshore - nayong pilipino naman dahil sa dami ng mga pinoy na naroroon.

 

Post a Comment

<< Home